April 28, 2025

Home BALITA

SP Chiz sa pagputok ng Mt. Bulusan: 'Handa na ang mga evacuation center'

SP Chiz sa pagputok ng Mt. Bulusan: 'Handa na ang mga evacuation center'
Photo courtesy: Senate of the Philippines and Sorsogon Public Information Office/FB

Siniguro ni dating Sorsogon Governor at Senate President Chiz Escudero na nakahanda ang ilang ahensya ng gobyerno upang siguraduhin ang kaligtasan umano ng mga residenteng naapektuhan sa pagsabog ng Bulkang Bulusan nitong Lunes ng madaling araw, Abril 28, 2025.

Sa pahayag na inilabas ng Senado mula kay Escudero nitong Lunes, iginiit nitong patuloy umano ang pakikipag-ugnayan ng lokal na pamahalaan ng Sorsogon sa pamahalaan para sa agarang tugon sa nasabing sakuna. 

"Tayo po, kasama ang ating Provincial Government sa Sorsogon ay nakikipag-ugnayan sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC), Office of Civil Defense (OCD) sa ilalim ng Department of National Defense, at Department of Social Welfare and Development (DSWD) para tiyakin ang kaligtasan ng lahat at maipaabot ang tulong na kailangan ng mga apektadong pamilya," ani Escudero.

Dagdag pa niya, "Ating tinitiyak sa ating mga kababayan na handa na po ang mga evacuation center gayun na rin ang ating mgas disaster relief personnel upang agarang mag-asiste sa kanilang pangangailangan kung sakaling patuloy ang mga aktibidad ng bulkan."

Probinsya

Lalaking kusa umanong tumalon sa kulungan ng buwaya, sinakmal!

Ayon sa ulat ng Manila Bulletin nitong Lunes, naka-deploy na ang mga tauhan ng Philippine National Police Regional Office-5 sa Sorsogon upang tumulong sa mga naapektuhan ng pagputok ng bulkan. 

Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito ay walang naitalang nasawi sa dulot ng bulkan.