Kasado na sa darating na Mayo 2 ang paglulunsad ng bentahan ng ₱20 kada kilo ng bigas sa para sa mga senior citizen, PWD at solo parents at persons with disabilities (PWDs) alinsunod umano sa Kadiwa ng Pangulo (KNP) program.
Ayon sa ulat ng Manila Bulletin nitong Lunes, Abril 28, 2025, parte umano ito ng pilot testing para sa isasagawang pagbebenta ng bigas sa halagang ₱20 kada kilo sa Visayas.
Paglilinaw naman ng DA, eksklusibo lamang daw sa mga indigent, senior citizens, solo parents at PWDs ang maaaring bumili ng nasabing bigas.
Bagama't maaari naman daw magdesisyon ang bawat local government unit (LGU) kung pahihintulutan nila sa kanilang barangay ang kahit na sinoman sa kanilang barangay na bumili ng ₱20 kilo ng bigas.
Samantala, nilinaw din ng Department of Agriculture (DA) na lilimitahan na lang daw sa 30 kilo kada buwan ang kanilang ibebenta sa publiko.
Matatandaang inulan ng samu't saring kritisismo ang nakatakdang pagbebenta ng bigas sa halagang ₱20 matapos ang naging pahaging ni Vice President Sara Duterte na ito raw ay panghayop at hindi pantao.
“Mayroon akong pagdududa ha? Na magbebenta sila ng 20 per kilo na bigas pero hindi pantao, panghayop,” ani VP Sara.
KAUGNAY NA BALITA: ₱20 na bigas ng PBBM admin, kinontra ni VP Sara: 'Hindi pantao, panghayop'
BASAHIN: DA nasaktan sa paratang ni VP Sara sa ₱20 na bigas: 'DA family is deeply hurt'