April 28, 2025

Home BALITA Eleksyon

Makabayan bloc, hinikayat ang supporters na kompletuhin senatorial line-up

Makabayan bloc, hinikayat ang supporters na kompletuhin senatorial line-up
Photo Courtesy: Koalisyong Makabayan (FB)

Nanawagan ang Koalisyong Makabayan sa kanilang mga tagasuporta na punuin ang 12 senatorial line-up sa darating na 2025 midterm elections.

Sa Facebook post ng Makabayan nitong Lunes, Abril 28, sinabi nilang bagama’t 11 lang umano ang senatorial aspirant sa kanilang slate, ipinauubaya nila sa kanilang tagasuporta ang ika-12 senador na ang tindig sa mga isyu ay malapit sa koalisyon.

“We need a people’s opposition in the next Congress. With issues such as the worsening economic crisis, the impeachment of the Vice President, the ICC trial of former president Duterte, continuing human rights violations and attacks on our national sovereignty, we cannot rely on either Marcos nor Duterte loyalists to uphold the interests of the people,” saad ng Makabayan.

Dagdag pa nila, “Both parties have shown that their respective slates were formed out of convenience and self-serving ends. A people’s opposition is necessary to ensure that we have a voice in Congress.”

Eleksyon

Comelec, naghain ng petisyong i-disqualify si MisOr Gov. Peter Unabia

Ang mga kakandidatong senador sa Makabayan slate ay sina: Liza Maza (Gabriela Party-list), Mody Floranda (PISTON), Mimi Doringo (KADAMAY), Jocelyn Andamo (Filipino Nurses United), Ronnel Arambulo (PAMALAKAYA), Danilo Ramos (Kilusang Magbubukid ng Pilipinas/KMP), Teddy Casiño (Bayan), Jerome Adonis (Kilusang Mayo Uno/KMU), Rep. Arlene Brosas (Gabriela Party-list), Rep. France Castro (ACT-Teachers), at Amirah Lidasan (Sandugo).