Isang liham na isinulat umano ng isang Titanic survivor, bago maganap ang trahedya sa kanilang barko, ang ipina-auction ng milyon-milyong halaga.
Ayon sa ulat ng AP News noong Linggo, Abril 27, 2025, nagmula sa isang first class passenger ng Titanic na si Archibald Gracie noong Abril 10, 1912 ang naturang liham–kaparehong araw ng paglayag noon ng Titanic mula sa London.
Saad ng nasabing liham ang mga katagang, "It is a fine ship but I shall await my journeys end before I pass judgement on her."
Naipa-auction ang naturang liham sa halagang £300,000 o katumbas ng tinatayang ₱22 milyon.
Noong Abril 12 ng parehong taon nang malagyan ito ng postmark at naipadala sa hindi pinangalanang tatanggap nito. Habang Abril 14 naman nang mangyari ang aksidenteng kumitil sa tinatayang 1,200 katao sa Titanic nang bumangga sila sa isang iceberg.
Isa si Gracie sa mga kilalang Titanic survivor matapos niyang ilathala ang isang librong laman ang detalyadong karanasan umano niya sa paglubog ng barko.
Samantala, taong 1912 din nang pumanaw si Gracie bunsod ng kumplikasyong dulot ng hypothermia bunsod ng malamig na dagat na kaniyang sinuong upang makaligtas sa paglubog ng Titanic.