April 28, 2025

Home BALITA Internasyonal

Ka Leody, inaasahang hindi kaso ng terorismo ang aksidente sa Vancouver

Ka Leody, inaasahang hindi kaso ng terorismo ang aksidente sa Vancouver
Photo Courtesy: Ka Leody De Guzman, contributed photo

Nagbigay ng pahayag si labor leader at senatorial aspirant Ka Leody De Guzman kaugnay sa aksidenteng nangyari sa Vancouver, Canada noong Sabado, Abril 26 (araw sa Canada), kung saan isang SUV ang nang-araro sa isang Filipino festival.

KAUGNAY NA BALITA: Festival ng mga Pinoy sa Vancouver, inararo ng sasakyan; ilang katao, patay!

Sa pahayag ni De Guzman nitong Lunes, Abril 28, sinabi niyang sana raw ay hindi kaso ng terorismo ang naturang aksidente.

“Ating inaasam na hindi ito kaso ng terorismo na tinatarget ang isang partikular na lahi dahil walang ibang nais ang mga kababayan nating namamasukan sa ibang bayan kundi buhayin ang kanilang pamilya dahil sa patuloy na pambabarat ng sahod at limitadong opurtunidad maghanapbuhay kahit pa ito’y degree holder na skilled at experienced pa,” saad ni De Guzman.

Internasyonal

Liham na isinulat ng Titanic survivor bago lumubog ang barko, ipina-auction sa halagang ₱22M

Dagdag pa niya, “Nanawagan ako sa embahada natin sa Canada ng mabilisang aksyon sa pagkuha ng eksaktong impormasyon at agarang tulong sa mga kababayan natin na naroroon mismo sa pagdiriwang”

Bukod dito, ipinaabot din ni De Guzman ang kaniyang pakikiisa sa mga pamilyang nagdadalamhati at nag-aalala sa mga kamag-anak nilang nasangkot sa aksidente.

Matatandaang naghayag na ng pakikiramay si Canadian Prime Minister Mark Carney at Vancouver Mayor Ken Sim kaugnay sa nangyari.

MAKI-BALITA: Prime Minister Mark Carney, nakiramay sa pamilya ng mga nasawi sa aksidente sa Vancouver