Pinaplano na ng Department of Transportation (DOTr) ang pag-dedeploy ng mas marami pang K9 units upang ipalit umano sa mga X-ray machine scanner sa bawat MRT at LRT stations.
Ibinahagi ng DOTr sa kanilang opisyal na Facebook account ang pagbisita ni DOTr Secretary Vince Dizon sa Philippine Coast Guard K9 Facility sa Clark, Pampanga upang silipin ang ilang K9 units na nakatakdang i-deploy sa train stations sa Metro Manila upang maging tugon umano sa mahahabang pila ng mga komyuter.
"To ensure faster, more convenient but safe and secure travel in MRT-3, Transportation Secretary Vince Dizon inspected the Philippine Coast Guard K9 Facility in Clark, Pampanga earlier today to personally check the bomb sniffing dogs that will replace the X-ray machines in the MRT and LRT stations in Metro Manila," anang DOTr.
Nakatakda rin daw gumamit ng Artificial Intelligence (AI) enabled CCTV cameras sa bawat istasyon, kasabay ng deployment ng nasabing K9 units.
"The Secretary said that removing the X-ray machines and using a combination of AI enabled CCTV cameras, more security presence, and bomb sniffing dogs will greatly reduce passenger lines in the stations without compromising the safety and security of the commuting public," anang ahensya.
Sa kasalukuyan, mayroong 25 istasyon ang LRT-1 habang pareho namang binubuo ng 13 istasyon ang LRT-2 at MRT-3.