April 28, 2025

Home BALITA Eleksyon

Comelec, naghain ng petisyong i-disqualify si MisOr Gov. Peter Unabia

Comelec, naghain ng petisyong i-disqualify si MisOr Gov. Peter Unabia
Misamis Oriental Gov. Peter Unabia (Courtesy: Cyrus Arado-Ubay Valcueba/FB screengrab)

Naghain ang Commission on Elections (Comelec) Task Force SAFE ng petisyon upang i-disqualify ang reelectionist na si Misamis Oriental Gov. Peter Unabia dahil sa naging hirit nitong para lamang sa “magagandang babae” ang nursing profession.

Nitong Lunes, Abril 28, nang ihain ng Comelec ang moto pro prio petition for disqualification laban kay Unabia dahil sa naturang “nurse joke” nito sa isa sa kaniyang campaign activities noong unang linggo ng Abril.

Sa isang proclamation rally ni Unabia noong Abril 3, sinabi niyang para sa magagandang babae lamang ang kanilang kanilang provincial nursing scholarship program dahil lalala umano ang sakit ng “lalaking pasyente” kung hinarap ng “pangit na nurse.”

“Kining nursing, para ra ni sa mga babaye, dili pwede ang lalaki. At, kato pa gyud mga babaye nga gwapa (Itong nursing, para lang ito sa mga babae, hindi pwede ang lalaki. At, at saka yung talagang mga babaeng magaganda),” ani Unabia.

Eleksyon

Makabayan bloc, hinikayat ang supporters na kompletuhin senatorial line-up

“Dili man pwede ang maot, kay kung luya na ang mga lalaki, atubangon sa pangit nga nurse, naunsa naman, mosamot atong sakit ana (Hindi pwede ang pangit, kasi kung nanghihina ang mga lalaki, nakaharap sa pangit na nurse, e ano, lalong lalala ang sakit niyan),” saad pa niya.

MAKI-BALITA: Hirit ng MisOr Gov. na para sa magagandang babae lang ang nursing, umani ng reaksiyon

Si Unabia ang ikalawang kandidato sa lokal na eleksyon na nahaharap sa disqualification case, kasunod ni Pasig City aspiring congressman Atty. Christian Sia na inisyuhan dahil sa kaniyang naging kontrobersyal na pahayag tungkol sa mga single mom.

MAKI-BALITA: Comelec Task Force, naghain ng disqualification case laban kay Pasig congressional bet Christian Sia