April 28, 2025

Home BALITA Internasyonal

Prime Minister Mark Carney, nakiramay sa pamilya ng mga nasawi sa aksidente sa Vancouver

Prime Minister Mark Carney, nakiramay sa pamilya ng mga nasawi sa aksidente sa Vancouver
Photo Courtesy: Mark Carney (FB), contributed photo

Nagpaabot ng pakikiramay si Canadian Prime Minister Mark Carney sa mga naulilang pamilya ng mga nasawi sa aksidente sa Vancouver, Canada noong Sabado, Abril 26, 2025 (araw sa Canada) kung saan isang SUV ang nang-araro sa isang Filipino festival.

Sa X post ni Carney nitong Linggo, Abril 27, inihayag niya ang kaniyang naramdaman matapos ang naturang aksidente.

“I am devastated to hear about the horrific events at the Lapu Lapu festival in Vancouver earlier this evening,” saad ni Carney.

Dagdag pa niya, “I offer my deepest condolences to the loved ones of those killed and injured, to the Filipino Canadian community, and to everyone in Vancouver. We are all mourning with you.” 

Internasyonal

Migrante, nanawagan ng hustisya sa mga biktima ng aksidente sa Vancouver

Kasalukuyan na umano nilang binabantayan ang sitwasyon at nagpasalamat din siya sa mga unang rumesponde sa aksidente.

Samantala, bukod kay Carney, nagbigay din ng pahayag si Vancouver Mayor Ken Sim kaugnay sa nangyari.

Aniya, “Our thoughts are with all those affected and with Vancouver’s Filipino community during this incredibly difficult time.”

KAUGNAY NA BALITA: Festival ng mga Pinoy sa Vancouver, inararo ng sasakyan; ilang katao, patay!