Si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. at Office of the President (OP) ang nagbayad sa hospital bills ng namayapang si National Artist for Film and Broadcast Arts at Superstar na si Nora Aunor, ayon sa isang undersecretary ng Presidential Communications Office (PCO), Linggo, Abril 27.
Sa panayam ng media, sinabi ni PCO Senior Undersecretary Analisa "Ana" Puod na hindi Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO ang sumagot sa hospital bills at iba pang bayarin ni Ate Guy kundi ang OP at si PBBM.
"Hindi lang 'yong hospital bills 'yan. Pati ibang utang at ibang expenses daw galing sa personal na pera ni PBBM 'yan," pahayag daw ng senior usec.
Giit pa niya, kasama rin sa naglabas ng personal na pera para sa sumakabilang-buhay na Superstar ang misis ni PBBM na si First Lady Liza Araneta-Marcos.
Bukod daw sa makukuhang medical assistance ng isang National Artist, nagpaluwal ng personal na pera ang First Couple para sa kaniya.
Matatandaang tinalakay na rin ng showbiz insider na si Cristy Fermin ang tungkol dito, batay naman sa pagtatanong niya sa singer at isa sa mga direktor ng PCSO na si Imelda Papin.
KAUGNAY NA BALITA: Hindi PCSO? PBBM, binayaran hospital bills ni Nora Aunor
KAUGNAY NA BALITA: Hospital bill ni Nora Aunor na binayaran ni PBBM, pumalo ng ₱800k