May 23, 2025

Home BALITA National

Paglilipat ng sako-sakong NFA rice sa Visayas, ipinag-utos na ng DA

Paglilipat ng sako-sakong NFA rice sa Visayas, ipinag-utos na ng DA
Photo courtesy: DA/website

Inihayag ni Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang paglilipat na  ng sako-sakong supply ng NFA rice sa Visayas bilang paghahanda sa nakatakdang paglulunsad ng ₱20 na bigas.

“It will take several weeks to transfer tens, even hundreds of thousands of 50-kilo bags from NFA warehouses, particularly from Mindoro, to various parts of the Visayas,” ayon sa pahayag na inilabas ni Laurel Tiu nitong Linggo, Abril 27, 2025.

Matatandaang kamakailan lang nang kumpirmahin ng Palasyo ang tuluyang pagsisimula ng naturang programa ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na mauunang ilunsad sa Visayas region.

Kaugnay nito, nagbabala na rin ang Palasyo laban sa mga umano’y patuloy na nagpapakalat ng fake news laban sa nasabing programa ng PBBM admin, kasunod ng naging tirada ni Vice President Sara Duterte na hindi raw pantao ang bigas na ibebenta sa nasabing halaga. 

National

'Unahan ko na kayo!' Jam Magno, kusang sumuko sa CIDG sa Butuan City

KAUGNAY NA BALITA: Palasyo, nagbabala sa fake news tungkol sa ₱20 na bigas: 'Mag-ingat sa fake news peddlers'

“Hindi pa po nasisimulan ang paglabas ng bigas na ibebenta sa market at sa Kadiwa patungkol po dito sa proyektong ito. Hindi pa nga nakikita, wala pang nakikitang bigas na ibibenta, pinipintasan na, pinipintasan na na panghayop,” ani Palace Press Secretary Claire Castro.

KAUGNAY NA BALITA: ₱20 na bigas ng PBBM admin, kinontra ni VP Sara: 'Hindi pantao, panghayop'