April 27, 2025

Home BALITA

Pagkilala sa kabayanihan ng OFWs, idadaan sa ‘Konsyerto sa Palasyo’

Pagkilala sa kabayanihan ng OFWs, idadaan sa ‘Konsyerto sa Palasyo’
Photo courtesy: PCO

Kasado na ngayong Linggo, Abril 27, 2025 ang itinakdang konsyerto sa Malacañang upang bigyang pagkilala ang ambag at sakripisyo ng lahat ng Overseas Filipino Workers (OFWs).

Mag-uumpisa ang programa sa ganap na 6:00 ng gabi sa Kalayaan Grounds sa Palasyo.

Matatandaang noong Abril 25 nang ihayag ng Department of Migrant Workers (DMW) ang tungkol sa nasabing konsyerto batay sa kanilang opisyal na Facebook page.

“Overseas Filipino workers (OFWs) and their families will enjoy a night filled with fun and entertainment in the "Konsyerto sa Palasyo" on Sunday evening, 27 April 2025, at the Kalayaan Grounds in honor of their sacrifices and invaluable contribution to the economic and social transformation of the Bagong Pilipinas,” anang DMW.

National

PCO, kinumpirmang sina PBBM, FL Liza sumagot sa hospital bills ni Nora Aunor

Tinawag naman ni DMW Secretary Hans Leo Cacdac na mga “Bagong Bayani”  ng Bagong Pilipinas ang OFWs.

“Our OFWs, ang ating mga Bagong Bayani sa Bagong Pilipinas kasama ng kanilang mga pamilya ang lakas ng ating bayan. Si Pangulong Marcos Jr. mismo ang palaging nagpapaalala sa amin sa DMW na kayo ay alagaan kaya’t hindi tayo mapapagod na maghatid ng serbisyo at programa para sa kapakanan ng ating mga Bagong Bayani,” saad ni Cacdac.

Nakatakdang daluhan ng ilang kilalang Filipino artists ang nasabing konsyerto katulad nina Chito Ricafrente, na kilalang "The Original Human Saxophone of the Philippines”, World Championship of Performing Arts (WCOPA) Gold Medalist Rap Cañedo, Pop Pristine Marielle Montellano, multi-awarded artist at former member ng premiere vocal group “The Company” Reuben Laurente, at Winchester Lopez.