April 28, 2025

Home BALITA Internasyonal

Migrante, nanawagan ng hustisya sa mga biktima ng aksidente sa Vancouver

Migrante, nanawagan ng hustisya sa mga biktima ng aksidente sa Vancouver
Photo Courtesy: Migrante Canada (FB)

Nagbigay ng pahayag ang Migrante Canada kaugnay sa nangyaring aksidente sa Vancouver, Canada noong Sabado, Abril 26, 2025 (araw sa Canada) kung saan isang SUV ang nanagasa sa isang Filipino festival na ikinasawi ng marami.

Sa pahayag ng Migrate Canada nitong Linggo, Abril 27, nagpaabot sila ng simpatya sa lahat ng naapektuhan ng nasabing insidente.

“Migrante Canada extends its deepest sympathy to all those injured and affected by tonight’s events at the Lapu-Lapu Day block party in Vancouver,” saad ng Migrante.

Bukod dito, nanawagan din ang organisasyon ng masusing imbestigasyon upang makamit ng mga biktima ang kaukulang hustisya.

Internasyonal

Prime Minister Mark Carney, nakiramay sa pamilya ng mga nasawi sa aksidente sa Vancouver

Anila, “Our hearts are with our kababayan—may those responsible be held accountable without delay.”

Ang Migrante ay isang pandaigdigang alyansa ng mga Pilipinong nagtatrabaho sa iba’t ibang bansa na nagsimulang mabuo nang bitayin ang Pilipinang domestic helper na si Flor Contemplacion noong 1996.

KAUGNAY NA BALITA: Festival ng mga Pinoy sa Vancouver, inararo ng sasakyan; ilang katao, patay!