Pinalagan ni Lanao del Sur 1st District Rep. Zia Alonto Adiong ang naging pahayag ni Vice President Sara Duterte hinggil sa ₱20/kilo presyo ng bigas na proyekto ng pamahalaan.
Sa kaniyang pahayag nitong Linggo, Abril 27, 2025, inungkat ni Adiong ang pagpalo umano ng presyo ng bigas noon sa administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
“It is ironic that the Vice President is mocking efforts to lower rice prices to ₱20 per kilogram when, during the administration of her father, rice prices even soared to ₱70 per kilo in some areas,” aniya.
Iginiit din niya ang kapalpakan umano noon ng administrasyon ni dating Pangulong Duterte kung saan nagkaroon pa raw ng mga bukbok sa bigas, kasabay ng naging pagsipa ng presyo nito.
“It was under the Duterte government that we saw imported rice shipments infested with bukbok, when her father’s appointed Agriculture Secretary, Manny Piñol, oversaw rice importation. Before pointing fingers, it would be better for her to look back at the failures of the administration she proudly represents,” saad ni Adiong.
Matatandaang kamakailan lang nang punahin ni VP Sara ang nakatakdang paglulunsad ng programang ₱20 na bigas kung saan tinawag niya itong “panghayop” at hindi raw pantao.
KAUGNAY NA BALITA: ₱20 na bigas ng PBBM admin, kinontra ni VP Sara: 'Hindi pantao, panghayop'