April 26, 2025

Home BALITA Eleksyon

'Vote straight sa Alyansa, panawagan ni Mayor Abby Binay: 'Kailangan ikakampanya lahat!'

'Vote straight sa Alyansa, panawagan ni Mayor Abby Binay: 'Kailangan ikakampanya lahat!'
Photo courtesy: Abby Binay Abby Better/Facebook

Nanawagan sa publiko si senatorial aspirant at Makati City Mayor Abby Binay para sa buong pagsuporta sa kanilang Alyansa Para sa Bagong Pilipinas. 

Sa isang pahayag nitong Sabado, Abril 26, 2025, ipinaliwanag ni Binay na mahirap aniyangisulong ang adbokasiya kung hindi raw kaalyado ang makakasama sa Senado.

"I think we fail to realize that the Senate is a collegial body. Kahit maipanalo ko ang sarili ko, pero yung mga kasamahan ko na mananalo din ay hindi parehas ng adbokasiya, eh ’di hindi ko rin mapu-push yung adbokasiya ko," saad ni Binay. 

Dagdag pa niya, mahirap ding makakuha ng suporta sa Senado kung magkakaiba raw sila ng isinusulong. 

Eleksyon

Bong Go, nanguna sa mga pinipiling kandidato sa pinakahuling pambansang survey

"So hindi po puwede na ang kampanya ay ako lang. Kailangan po, ikakampanya lahat. Dahil anong mangyayari sa'yo kung ikaw lang ang nanalo sa Senado at hindi mo kakampi yung mga kasama mo? Lahat po ng campaign promises mo, hindi mo magagawa because you will not get the support of your colleagues," saad ni Binay. 

Kasama ni Binay sa Alyansa sina Benhur Abalos, Pia Cayetano, Panfilo Lacson, Lito Lapid, Manny Pacquiao, Bong Revilla, Tito Sotto, Francis Tolentino, Erwin Tulfo at Camille Villar. 

Matatandaang nauna nang hikayatin ni House Speaker Martin Romualdez ang taumbayan na suportahan umano nang buo ang Alyansa at siyang senatorial slate ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. 

KAUGNAY NA BALITA: True partners, subok na raw: Romualdez, hinikayat iboto buong Alyansa