Isang convicted Cardinal ang umano'y nagpupumilit na sumali sa nakatakdang conclave sa Vatican, taliwas sa naging mandato noon ni Pope Francis.
Kinilala ng Vatican Press ang naturang Cardinal na si Cardinal Angelo Becciu na gumawa umano ng ingay noong 2003 matapos daw itong ma-convict sa reklamong aggravated fraud at abuse of office. Batay pa sa mga ulat ng ilang international news outlet, nasentensyahan ng limang taon at anim na buwang pagkakakulong si Becciu at pinagmulta rin ng 8,000 euros.
Ayon din umano sa Italian newspaper na Domani, mayroon daw iniwang dalawang liham ang yumaong si Pope Francis hinggil sa pagbabawal kay Becciue na magkaroon ng partisipasyon sa conclave. Ang unang liham ay isinulat umano noong 2023 at ang pangalawa naman ay noong nakaraang buwan na kapuwa selyado ng inisyal na "F."
Kaugnay nito, may ilang ulat din umano mula sa pahayag ni Becciu noong Abril 22 kung saan iginiit daw ng nasabing Cardinal na kinikilala pa rin umano ni Pope Francis ang kaniyang karapatan.
"The pope has recognized my cardinal prerogatives as intact, since there was no explicit will to exclude me from the conclave nor a request for my explicit renunciation in writing," saad umano ni Becciu.
Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang pinal na ulat kung makakadalo at makakaboto pa umano sa conclave si Becciu.
Naninindigan din umano ang Vatican Secretary na na hindi maaaring pahintulutan si Becciu alinsunod sa huling dalawang liham na iniwan ni Pope Francis.
BASAHIN: Ang 'conclave' at ang pagpili sa susunod na Santo Papa