April 26, 2025

Home SHOWBIZ Musika at Kanta

Marko Rudio, kampeon sa TNT: All-Star Grand Resbak 2025 Huling Tapatan

Marko Rudio, kampeon sa TNT: All-Star Grand Resbak 2025 Huling Tapatan
Photo Courtesy: It's Showtime via ABS-CBN News (X)

Nasungkit ni Marko Rudio ang kampeonato sa Tawag ng Tanghalan: All-Star Grand Resbak 2025 Huling Tapatan.

Sa latest episode ng “It’s Showtime” nitong Sabado, Abril 26, ipinamalas ng tatlong grand finalists ang kani-kanilang husay sa pagkanta.

Nakakuha si Marko ng  96.15%  na score mula sa madlang people at mga hurado na nagluklok sa kaniya bilang kampeon. 

Bilang gantimpala, mag-uuwi si Marko ng ₱1M piso at tropeo. Makakatanggap din siya ng management contract mula ABS-CBN Star Magic at recording contract mula ABS-CBN Star Music.

Musika at Kanta

Kay Ganda ng Musika Niya: Si Hajji Alejandro, orig 'Kilabot ng Kolehiyala'

Samantala, ang second place namang si Ian Manibale  ay nakakuha ng score na 92.8% at 89.55% naman ang kay Charizze Arnigo bilang third placer.