April 26, 2025

Home BALITA National

Libreng 'legal assistance' sa lahat ng uniformed personnel na mahaharap sa kaso, aprub kay PBBM

Libreng 'legal assistance' sa lahat ng uniformed personnel na mahaharap sa kaso, aprub kay PBBM
Photo courtesy: Pexels at Bongbong Marcos/Facebook

Pirmado na ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. ang Republic Act No. 12177—ang batas na naglalayaong magbigay ng libreng legal assistance sa mga Military and Uniformed Personnels (MUPs) na mahaharap sa kasong may kinalaman sa kanilang pagseserbisyo.

Nilagdaan ng Pangulo ang nasabing batas noong Abril 15, 2025 ngunit noong Biyernes, Abril 25 lamang ito opisyal na isinapubliko sa Official Gazette.

Sa ilalim ng nasabing batas, inoobliga nito ang pamahalaan na magbigay ng libreng legal assistance sa lahat ng MUPs na mahaharap sa criminal, civil o administrative proceedings na saklaw o may kinalaman sa kanilang trabaho.

"The military and uniformed personnel facing any service-related case before a prosecutor's office, court, quasi-judicial or administrative body, or any component body or tribunal shall be entitled to free legal assistance," saad ng RA 12177.

National

15.5 milyong pamilyang Pinoy, mahirap tingin sa sarili – SWS

Kabilang sa mga MUPs na pinoproteksyonan ng naturang batas ay ang Armed Forces of the Philippines (AFP), Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Philippine Coast Guard, Bureau of Corrections, Philippine National Police (PNP) at Hydrography Branch of the National Mapping and Resource Information Authority. 

Saklaw din ng batas ang pagsagot ng pamahalaan sa legal advice at consultations ng MUPs, ang bayad sa korte at pagnonotaryo sa mga kaukulang dokumento.