April 26, 2025

Home BALITA

Lacson, tinalakan ang kapulisan: 'It's the PNP's job to protect!'

Lacson, tinalakan ang kapulisan: 'It's the PNP's job to protect!'
Photo courtesy: Ping Lacson/Facebok and file photo

Kinalampag ni senatorial aspirant Panfilo Lacson ang Philippine National Police (PNP) patungkol sa pag-aksyon umano nito sa election-related violence.

Sa panayam ng isang radio station kay Lacson, iginiit niya na mas dapat pa raw pagbutihin ng PNP ang kanilang intelligence plan sa paglutas ng kriminalidad, partikular na sa nangyaring pamamaslang sa alkalde ng Rizal, Cagayan habang nangangampanya.

KAUGNAY NA BALITA: Zamboanga City mayoral bet, natagpuang patay sa loob ng bahay; mayor ng Rizal, Cagayan, patay sa pamamaril

"I would urge the PNP to be on their toes regarding such matters. This is a function of intelligence. The PNP must improve intelligence network because murders like this do not go unplanned," saad ni Lacson.

PRO3, nilinaw pagkaaresto sa mga Aeta sa Mt. Pinatubo

Tahasan ding iginiit ni Lacson na ang sinapit umano ng naturang Cagayan ay resulta umano ng kapabayaan sa intel ng PNP.

"The occurrence of such incidents indicates a failure of intelligence," aniya. 

Matatandaang minsan na ring pinamunuan ni Lacson ang liderato ng PNP bilang hepe noong 1999 hanggang 2001. 

Binigyang-diin ni Lacson na obligasyon umano ng PNP na protektahan ang taumbayan lalo na sa kasagsagan ng eleksyon.

"It's the PNP's job to protect and maintain peace and order especially during the election period."