April 26, 2025

Home BALITA National

Bong Go, hinikayat publikong makiisa sa pananalangin para kay Pope Francis

Bong Go, hinikayat publikong makiisa sa pananalangin para kay Pope Francis
Sen. Bong Go at Pope Francis (Facebook; MB file photo)

“LET'S PAY OUR RESPECTS TO THE LATE POPE FRANCIS.”

Hinikayat ni Senador Bong Go ang publikong makiisa sa pananalangin para kay Pope Francis na ililibing na ngayong Sabado, Abril 26.

Dakong 4:00 ng hapon (PH time) ngayong Sabado ililibing si Pope Francis sa Basilica of St. Mary Major.

“Makiisa tayo sa pananalangin para sa kanyang mapayapang pagbabalik sa sinapupunan ng Maykapal,” ani Go sa isang Facebook post nitong Sabado.

National

Bam Aquino, inspirasyon si Pope Francis sa ‘mapagkalingang pamumuno’

Hiniling din ng senador sa bawat isang isabuhay ang mga aral na iniwan ng Santo Papa, lalo na raw ang kaniyang mensaheng: "Love is not a theory, but a way of life."

“Para sa kanya, kailangan nating magmalasakit sa ating kapwa, maging mapagkumbaba, manindigan sa ating paniniwala, at makipagdayalogo sa ibang taong kaiba natin ang relihiyon at kultura,” saad ni Go. “Maraming-maraming salamat sa iyo, Pope Francis!”

Matatandaang noong Lunes, Abril 21, nang mamayapa si Pope Francis sa kaniyang apartment sa Domus Sanctae Marthae, Vatican City. 

Nagkaroon daw ng stroke ang Santo Papa na sinundan ng coma at irreversible cardiocirculatory collapse na naging sanhi ng kaniyang pagpanaw.

BASAHIN: Pope Francis, pumanaw na sa edad na 88

BASAHIN: Pope Francis, na-coma sanhi ng stroke at irreversible cardiocirculatory collapse