April 25, 2025

Home BALITA Eleksyon

Rowena Guanzon, suportado si Isko Moreno bilang alkalde ng Maynila

Rowena Guanzon, suportado si Isko Moreno bilang alkalde ng Maynila
MULA SA KALIWA: Rowena Guanzon at Isko Moreno (file photo)

“Inaway ko yan nung 2022 for Leni pero iba na ang sitwasyon ng Maynila…”

Suportado ni dating Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon si Manila mayoral candidate Isko Moreno para sa 2025 midterm elections.

Sa isang Facebook post nitong Huwebes, Abril 24, sinabi ni Guanzon na si Moreno raw ang susuportahan niya kung ikukumpara sa kilalang mga kalaban nitong sina reelectionist Honey Lacuna at Sam Versoza.

“Compare kay Sam at Honey, yes, isko na ako,” ani Guanzon.

Eleksyon

Mayor Honey Lacuna, inisyuhan din ng show-cause order dahil sa umano’y vote-buying, ASR

“Inaway ko yan nung 2022 for Leni pero iba na ang sitwasyon ng Maynila, kailangan na ulit paliguan at sa tingin ko yung dating basurero ang makakagawa nun,” saad pa niya.

Matatandaang naging alkalde si Moreno ng lungsod ng Maynila mula 2019 hanggang 2022.

Taong 2022 naman nang tumakbo siya bilang pangulo ng bansa kung saan nakalaban niya ang sinusuportahan ni Guanzon na si dating Vice President Leni Robredo, at maging ang ngayo’y pangulo ng bansa na si Bongbong Marcos.

Sa naturang 2022 presidential elections ay nagpalitan ng mga tirada sina Moreno at Guanzon matapos magalit ng huli nang hikayatin ng una si Robredo na bawiin ang kaniyang kandidatura.