May 16, 2025

Home BALITA National

Palasyo, nagbabala sa fake news tungkol sa ₱20 na bigas: 'Mag-ingat sa fake news peddlers'

Palasyo, nagbabala sa fake news tungkol sa ₱20 na bigas: 'Mag-ingat sa fake news peddlers'
Photo courtesy: Pexels and screengrab from PCO/Facebook

Nagbabala si Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro sa publiko hinggil sa kumakalat umanong fake news kaugnay ng paglulunsad ng pamahalaan ng ₱20 na bigas.

Sa press briefing nitong Biyernes, Abril 25, 2025, iginiit niyang sinisira lamang daw ng fake news peddlers ang naturang programa ng administrasyon.

"Mag-ingat po ang mga Pilipino dahil ang ibibenta po na bigas ay iyong sa mga authorized outlets. Mag-ingat po tayo sa fake news peddlers, sinisira ang proyekto, sinisira ang Pangulo, sinisira ang hope, ang pag-asa ng bawat Pilipino," ani Castro.

Nilinaw din niyang wala pa umanong nailalabas na bigas sa merkado na ibebenta ng ₱20 kasunod nang naging pag-anunsyo tungkol dito.

National

PBBM, hindi manghihimasok sa nakabinbing impeachment trial ni VP Sara—Palasyo

"Hindi pa po nasisimulan ang paglabas ng bigas na ibebenta sa market at sa Kadiwa patungkol po dito sa proyektong ito. Hindi pa nga nakikita, wala pang nakikitang bigas na ibibenta, pinipintasan na, pinipintasan na na panghayop," aniya.

Matatandaang inulan ng samu't saring kritisismo ang nakatakdang pagbebenta ng bigas sa halagang  ₱20 matapos ang naging pahaging ni Vice President Sara Duterte na ito raw ay panghayop at hindi pantao.

“Mayroon akong pagdududa ha? Na magbebenta sila ng 20 per kilo na bigas pero hindi pantao, panghayop,” ani VP Sara.

KAUGNAY NA BALITA: ₱20 na bigas ng PBBM admin, kinontra ni VP Sara: 'Hindi pantao, panghayop'

BASAHIN: DA nasaktan sa paratang ni VP Sara sa ₱20 na bigas: 'DA family is deeply hurt'