April 26, 2025

Home FEATURES

‘Pagluluksa ng kaibigan’: Madre, nagdalamhati malapit sa kabaong ni Pope Francis

‘Pagluluksa ng kaibigan’: Madre, nagdalamhati malapit sa kabaong ni Pope Francis
(Vatican Media/screenshot via ABS-CBN News)

Isang French nun na matagal nang kaibigan ni Pope Francis ang hinayaang lumabag sa protocol ng Vatican na lumapit sa kabaong upang makapagluksa at masilayan sa huling pagkakataon ang Santo Papa.

Isa si Sister Genevieve Jeanningros, isang madre mula sa Roman seaside town of Ostia, sa mga unang nakatunghay kay Pope Francis nang i-transfer ang kaniyang mga labi sa Saint Peter's Basilica noong Miyerkules, Abril 23.

Makikita ang pagtayo ni Sister Genevieve sa likod ng tali mula sa kabaong ni Pope Francis at ang tahimik nitong pagdadalamhati. 

Bagama’t istrikto ang Vatican sa kanilang protocols, walang sumuway sa madre dahil sa kilalang matagal na itong kaibigan ng Santo Papa.

Human-Interest

Pukpok o doktor? Ang tradisyon ng pagtutuli sa Pilipinas

Nanatili raw si Sister Genevieve malapit sa mga labi ni Pope Francis nang nasa pitong minuto.

Ayon sa Vatican, ilang beses nang nakasama ni Pope Francis si Sister Genevieve, miyembro ng Little Sisters of Jesus.

Noon lamang Hulyo ng nakaraang taon nagkasama raw ang dalawa sa pagbisita ng Santo Papa sa Ostia Lido sa Roma.

Nagsimula raw ang pagkakaibigan nina Pope Francis at Sister Genevieve sa Argentina, kung saan nagtrabaho ang madre sa marginalized communities, na sinasalamin ang sariling misyon ng Santo Papa.

Matatandaang noong Lunes, Abril 21, nang mamayapa si Pope Francis sa kaniyang apartment sa Domus Sanctae Marthae, Vatican City. 

Nagkaroon daw ng stroke ang Santo Papa na sinundan ng coma at irreversible cardiocirculatory collapse na naging sanhi ng kaniyang pagpanaw.

BASAHIN: Pope Francis, pumanaw na sa edad na 88

BASAHIN: Pope Francis, na-coma sanhi ng stroke at irreversible cardiocirculatory collapse

Nakatakdang ilibing si Pope Francis sa Sabado, Abril 26.

BASAHIN: Pope Francis, ililibing na sa Abril 26 – Vatican