April 25, 2025

Home BALITA Probinsya

NCIP, nagsalita na tungkol sa Mt. Pinatubo trail incident

NCIP, nagsalita na tungkol sa Mt. Pinatubo trail incident
Photo Courtesy: NCIP, Screenshot from Kyla Julian via GMA News (FB)

Nagbigay na ng pahayag ang National Commission on Indigenous People (NCIP) kaugnay sa nangyaring Mount Pinatubo trail incident noong Semana Santa.

Matatandaang kumalat kamakailan ang video ng isang hiker kung saan hinarangan ng mga Aeta ang Mt. Pinatubo Crater bilang paghahayag ng kanilang hinaing sa kanilang ancestral domain at patas na parte sa kita ng turismo.

Sa Facebook post ng NCIP nitong Biyernes, Abril 25, sinabi nila na mula Oktubre 2024 ay nakikipagtulungan na umano sila sa mga Aeta at lokal na pamahalaan ng Capas, Tarlac upang tugunan ang naturang isyu.

“Our efforts aim to ensure that indigenous peoples receive a fair share of tourism benefits without imposing additional costs on visitors,” saad ng NCIP.

Probinsya

Dahil takot kay misis? Lalaking naipatalo pambayad ng kuryente, nagpanggap na na-holdap

“The actions of the Aeta community underscore the need for meaningful dialogue on ancestral land rights and equitable tourism practices,” pagpapatuloy nila.

Dagdag pa ng komisyon, “Indigenous Peoples are vital stewards of our cultural and environmental heritage, and it is essential to respect their rights while promoting sustainable and inclusive tourism.”

Sa huli, hinimok ng NCIP ang publiko na maging pasensyoso at kalmado habang patuloy silang nakikipag-ugnayan sa lahat ng stakeholders upang resolbahin ang problema.

“We have already explored solutions that promote harmony and equity for all involved,” anila.