May 21, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Elijah Canlas, Miles Ocampo plano nang magpakasal?

Elijah Canlas, Miles Ocampo plano nang magpakasal?
Photo Courtesy: Screenshot from Ogie Diaz Showbiz Updates (YT)

Inusisa ni showbiz insider Ogie Diaz ang celebrity couple na sina Elijah Canlas at Miles Ocampo tungkol sa pag-iisang-dibdib.

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” kamakailan, itinampok ni Ogie ang maikling panayam niya sa dalawa nang dumalo sila sa birthday celebration ni Queen of All Media Kris Aquino.

Tanong ni Ogie, “So, kailan ang kasal n’yo?”

Pero sa halip na sumagot, natawa na lang si Miles sa tanong ng showbiz insider.

Tsika at Intriga

Rudy Baldwin, sokpa sa hinahanap na PA ni Sofia Andres

“Secret,” sabi ni Elijah.

Segunda naman ni Miles, “Text-text na lang.”

Matatandaang Nobyembre 2023 ay kinumpirma ni Elijah sa isang panayam ang tungkol sa hiwalayan nila ni Miles. Pero nagkabalikan din naman sila.

MAKI-BALITA: Miles Ocampo, Elijah Canlas inaayos ang nasirang relasyon

In fact, naispatan pa noong Disyembre 2024 ang kanilang sweet moment sa kasal nina Jose Manalo at Gene Maranan.

MAKI-BALITA: Elijah Canlas, Miles Ocampo nagtukaan sa kasal ni Jose Manalo