April 25, 2025

Home BALITA Eleksyon

China, nilinaw na walang interest makialam sa Philippine election

China, nilinaw na walang interest makialam sa Philippine election
Photo courtesy: Pexels, Manila Bulletin file photo

Pinabulaanan ng China ang umano'y kanilang interes at pakikialam sa paparating na Midterm elections sa Mayo 2025.

Sa press conference noong Huwebes, Abril 24, 2025, iginiit ni Chinese foreign ministry spokesperson Guo Jiakun na wala umano sa pakay ng China ang makialam sa "domestic affairs" ng ibang bansa. 

"China follows the principle of non-interference in other countries’ domestic affairs. We have no interest in interfering in Philippine elections," ani Jiakun.

Matatandaang noong Huwebes din Abril 24, nang igiit ni National Security Council (NSC) Assistant Director General Jonathan Malaya sa Senate hearing na may ilang grupo umano ng Chinese ang nasa bansa upang makialam sa paparating na eleksyon.

Eleksyon

Ayuda programs, napapakinabangan ng mga mambabatas, local officials—political scientist

"There are indications that information operations are being conducted or that Chinese state-sponsored [groups] in the Philippines are actually interfering in the forthcoming elections," saad ni Malaya. 

Batay sa naturang imbestigasyon ng Senado, lumalabas umanong ang China ang nasa likod ng ilang troll farms na nagpapalaganap daw ng mga malisyosong impormasyon na konektado sa mga kandidato sa midterm elections. 

"Itong mga ganitong pangyayari hindi ito naiintindihan kaagad ng sambayanan dahil ito’y nakahalo na sa social media hindi mo na alam kung alin dito yung totoo," ani Sen. Francis Tolentino.

Inirerekomendang balita