April 26, 2025

Home BALITA Eleksyon

'Areas of concern' para sa eleksyon, mas mababa kumpara noong 2019 at 2022—PNP

 'Areas of concern' para sa eleksyon, mas mababa kumpara noong 2019 at 2022—PNP
Photo courtesy: MB File photo and PNP/Facebook

Inihayag ng Philippine National Police (PNP) na bumaba umano ang bilang ng areas of concern sa bansa sa paparating na Midterm elections sa Mayo 2025, kumpara noong 2019 at 2022.

Sa press conference nitong Biyernes, Abril 25, 2025, sinabi ni PNP Director for Police Community Relations Maj. Gen. Roderick Augustus Alba na nasa 362 lamang ang binabantayan nilang areas of concern kumpara sa naitala nilang 941 noong 2019 at 844 noong 2022.

"[In the] 2019 elections, we monitored 941 election watchlist areas or areas of concern. [For] 2022, we have 844. As of today, we are monitoring 362," saad ni Alba.

Dagdag pa niya, "What we're saying ay napakalaking basis ng aming deployment itong pagbaba ng election watchlist areas."

Eleksyon

Mayor Honey Lacuna, inisyuhan din ng show-cause order dahil sa umano’y vote-buying, ASR

Sa Mayo 12 nakatakda ang eleksyon habang tatagal naman hanggang Hunyo 11 ang election period kabilang na ang election gun ban.