April 25, 2025

Home BALITA

VP Sara sa P20/kilo ng bigas sa Visayas: 'Para bang hindi kayo nagugutom dito sa Maynila'

VP Sara sa P20/kilo ng bigas sa Visayas: 'Para bang hindi kayo nagugutom dito sa Maynila'

May pahayag si Vice President Sara Duterte hinggil sa ₱20 kada kilo ng bigas na ipatutupad ng administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos sa Visayas.

Dumalo si Duterte sa campaign caucus ni Manila Mayoral bet Isko Moreno Domagoso at ng slate nito sa Tondo sa Maynila nitong Huwebes, Abril 24. 

Dito ay kinampanya ni Duterte si reelectionist Senator Imee Marcos, na dumalo rin sa naturang caucus.

Bukod sa paglalahad ni Duterte kung bakit dapat iboto si Marcos, nabanggit niya ang tungkol sa ₱20 kada kilo ng bigas na ipatutupad ng pangulo.

Eleksyon

Sara for President? VP Sara, inalis OVP seal sa kampanya; biro niya, palitan daw ng OP seal

"Hindi natin tinitingnan kung ano ba 'yong mga pangako niya [PBBM] noon. Tumakbo siya noon, may pangako siya, binigay ba niya ['yong ₱20 kada kilo ng bigas?]" 

"Tapos ngayon, okay na raw, after three years. Tatlong taon na campaign promise, o pangako sa eleksyon, ibibigay ngayon pero ibibigay lang sa Visayas--para bang hindi kayo nagugutom dito sa siyudad ng Maynila at parang hindi nagkukulang ang pera ninyo pambili ng pagkain," saad pa ng bise presidente. 

Dagdag pa niya, "Bakit hindi binigay ang pangako, dahil nagsinungaling? o dahil hindi talaga naibigay?"

Nauna na ring sinabi ni Duterte noong Miyerkules, Abril 23 na hindi pantao ang nasabing programa ng administrasyon.

BASAHIN: ₱20 na bigas ng PBBM admin, kinontra ni VP Sara: 'Hindi pantao, panghayop'

KAUGNAY NA MGA BALITA: 

MAKI-BALITA: Palasyo, pinabulaanan umano'y pamumulitika sa pagpapatupad ng ₱20 na bigas

MAKI-BALITA: 'Huwag maging anay!' Usec. Castro, binuweltahan reaksyon ni VP Sara sa ₱20 na bigas

MAKI-BALITA: Romualdez todo-puri sa ₱20/kilong bigas ni PBBM: 'Turning aspiration into action!'