April 24, 2025

Home BALITA National

Size ng itlog, bakit nga ba lumiliit kapag tag-init?

Size ng itlog, bakit nga ba lumiliit kapag tag-init?
MB FILE PHOTO

Dahil sa kasalukuyan na matinding init ng panahon sa bansa, posibleng lumiit ang mga itlog na ibinibenta sa merkado.

Abril noong nakaraang taon nauna nang ibinahagi ng Egg Board Association president na si Francis Uyehura na dahil sa heat stress ng mga inahing manok, dulot ng El Nido Phenomenon, humihina ang pagkain ng mga ito na nagreresulta sa pagbaba ng produksyon ng mga itlog at pagliit nito.

“Generally, lahat ng farm producer ay nakakaranas na ng problema sa sobrang init. Number one na epekto ng sobrang init ay ‘yung paghina ng pagkain ng manok na resulta ng pagbaba ng egg production at pagliit ng sizes. Nagkakaroon ng imbalance, mas marami yung maliliit,” ani Uyehura sa kaniyang panayam sa TeleRadyo Serbisyon noong nakaraang taon.

“The intense heat will not have an effect on the nutritional value of the egg. The problem is the eggs are getting smaller. If before, farmers are getting large or XL eggs, now there are more small or even extra small eggs,” dagdag pa ni Uyehura.

National

'Huwag maging anay!' Usec. Castro, binuweltahan reaksyon ni VP Sara sa ₱20 na bigas

Samantala, ngayong 2025 ay binabantayan ng Department of Agriculture (DA) ang presyo ng itlog. Ngayong Abril, pumapalo sa P6 hanggang P8 ang presyo nito.