April 24, 2025

Home BALITA National

Romualdez todo-puri sa ₱20/kilong bigas ni PBBM: 'Turning aspiration into action!'

Romualdez todo-puri sa ₱20/kilong bigas ni PBBM: 'Turning aspiration into action!'
Photo courtesy: Martin Romualdez (FB)

Pinuri ni House Speaker Martin Romualdez ang presyong ₱20/kilong bigas ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr, na inilarawan niya bilang "turning aspiration into action."

Matatandaang isa sa mga ipinangako ni PBBM noong siya ay nangangampanya bilang presidential candidate ay mapabalik sa ₱20 ang kada kilo ng bigas.

“Simula pa lang ito. Gagawin nating alaala, kasaysayan na lang ang mahal na bigas. Sa tulong ng whole-of-government effort, masusundan ito hanggang maabot ng programa ang bawat sulok ng bansa,” saad ni Romualdez sa kaniyang opisyal na pahayag tungkol dito, na mababasa sa kaniyang opisyal na Facebook page

Naniniwala pa raw ang House Speaker na kung makakapasok at maiboboto ang lahat ng mga kumakandidatong senador sa Alyansa Para sa Bagong Pilipinas, senatorial slate ng administrasyon, ay tiyak na raw ang tuloy-tuloy na pagbabago sa presyo ng bigas.

National

'Gagawin nating alaala, kasaysayan na lang ang mahal na bigas!'—Romualdez

"Marami pa tayong batas na dapat ipasa para maipagpatuloy at mapalawig ang ₱20-rice program,” aniya pa.

Samantala, nilinaw ng Malacañang na wala umanong halong pamumulitika ang paglulunsad ng gobyerno ng pagbebenta ng ₱20/kilong bigas.

MAKI-BALITA: Palasyo, pinabulaanan umano'y pamumulitika sa pagpapatupad ng ₱20 na bigas

Bumuwelta rin ang Palasyo hinggil sa naging pahayag ni Vice President Sara Duterte na panghayop umano ang ibebentang bigas sa nasabing halaga.

MAKI-BALITA: 'Huwag maging anay!' Usec. Castro, binuweltahan reaksyon ni VP Sara sa ₱20 na bigas

MAKI-BALITA: ₱20 na bigas ng PBBM admin, kinontra ni VP Sara: 'Hindi pantao, panghayop'