April 24, 2025

Home FEATURES Kwentong OFW

OFW na may plastic wrap at note ang maleta: 'When you no longer feel safe in your own country!'

OFW na may plastic wrap at note ang maleta: 'When you no longer feel safe in your own country!'
Photo courtesy: Bohol Girl (FB)

Umani ng iba't ibang reaksiyon at komento sa publiko ang viral Facebook post ng isang nagngangalang "Bohol Girl" matapos niyang balutan ng plastik ang kaniyang luggage habang nasa airport sa Pilipinas.

Mababasa sa post, batay sa kaniyang hashtags, na ginawa niya ang pagbabalot ng plastik sa maleta para makaiwas sa napababalitang insidente ulit at pagbabalik ng "Tanim-Bala" o "Laglag-Bala."

"Nakakahiya talaga.. binalot ang maleta? First time ko to… huhuhu," aniya.

"Ulawa ani uy. Mura man tag bu*ng ani. Nganu giputos [Nakakahiya ito, uy. Para tayong mga sira ulo nito. Bakit binalot?]."

Dagdag pa niya, "WHEN YOU NO LONGER FEEL SAFE IN YOUR OWN COUNTRY WHERE YOU’RE SUPPOSE TO FEEL COMFORTABLE AND HOME."

May hashtags pa ang post na "#notoTanimBalaScam," "#iwaslaglagbala," at "#hinditayoganitoPilipina."

Bukod sa binalot ng wrap, may nakapaskil pang note ang pasahero sa kaniyang maleta. Mababasa rito, "My luggage is clean and no contrabands. Videos and Photos were taken before it was locked and well wrapped!"

"Date: April 17, 2025."

"It was checked and scanned in Germany Airport (with highest security)"

"Please do not victimize passengers / travelers."

"Including me, my old Mama is waiting for me at home."

"Love, OFW."

Sa ibaba, may hashtags pa itong "NoToLaglagBalaScam" at "#HindiTayoGanyan."

Ilang mga netizen naman ang tila sumang-ayon sa kaniya lalo na raw sa mga pumutok na balita kamakailan patungkol dito.

"Actually nakaka alarma na po, instead safe and secured travel. Scam ang hulog. I hope madami pang ma influence ng post na ito and makita nila yung effect ng pangbubudol nila sa kapwa Pinoy."

"Take care of your hand carry too."

"It’s okay to do that. Actually bukod sa pakiramdam mo na hindi na safe ibang purpose is atls d madumihan at hindi basta mababasag if medyo sensitive ang iyong luggage."

"Wag Mo nlng isipin ang hiya kundi ung ikabubuti mo...ingat"

"It's fine,better than sorry.. kahit ako gnyan din gagawin KO sakali hirap na."

Sa kabilang banda, ilang netizens naman ang nagsabing "OA" lang daw siya dahil ginagawa naman daw talaga ito sa airports, hindi lamang sa Pilipinas, kundi maging sa ibang bansa. Sey pa ng iba pang netizens, kahit saang airport daw ay may mga problema rin gaya naman ng "nakawan."

"Beh may luggage wrap naman talaga sa mga airport. D naman na bago to . Ang oa grabe"

"Nagiging worst ang NAIA dahil sa mga ganitong post tapos shinashared post pa hanggang sa dami ng reach. D na tayo mag tataka kung bakit d mawawala ng worst airport ng pinas. Kahit nasira yong malita sasabihin binuksan nilagyan ng bala. Grabi na talaga social media ngayon."

"matagal na akong nakakakita ng ganito. balot na balot yung maleta."

"May ganyan naman tlga sa airport ah"

"Either way , nanakawan ka or lalagyan ng something, kahit saan possible yan , indi lang sa pinas kahit sa ibang bansa. Kaya maigi ng lagi tayong nasa safe side. I was an OFW.

Sa eksklusibong panayam ng Balita sa nabanggit na OFW, kinumpirma niyang talagang pinabalutan talaga niya ng luggage wrap ang maleta at nilagyan ito ng note para maiwasan ang laglag-bala scheme.

Sinadya raw niya ang pagpo-post nito para magpakalat ng awareness.

"I really wanted to spread awareness para sana ma-change ito," aniya.

"Kasi as a frequent traveler, gusto ko sana safe sa travelers ang Pilipinas, ang mga ports natin. Kasi it is really nice to promote Philippines the nice way."

Binalot daw niya ang maleta matapos mabalitaan ang pagbabalik ng "Laglag-Bala" scam.

Kuwento ng pasahero, siya ay isang nurse sa Germany at umuwi lamang ng Pilipinas para sunduin ang kaniyang ina sa Pilipinas.

"I am an OFW nurse from Germany. Uuwi ng Pinas po shortly para pick-upin ko senior citizen kong Mama sa airport sa NAIA. Galing din siya sa Bohol pa-Manila kasi lilipad kami pa-Australia that same day. Gusto ko lang smooth ang lakad namin ni Mama at walang mga aberya," aniya.

Sa kabilang banda, pinuri naman niya ang magandang serbisyo ng NAIA lalo na sa kaniyang inang senior citizen.

"Buti na lang po meron ding magandang service ang NAIA na meron assigned person na mag-assist sa mga senior at PWD."

"Ang galing po. Ihahatid talaga nila until sa boarding gate. Nakakataba ng puso. Siya po 'yong tinutukoy ko sa post ko na 'Old Mama waiting for me.'"

Kaya naman, hangad daw ni "Bohol Girl" na hindi na magpatuloy ang mga napababalitang scam sa airport para sa kapakanan ng mga biyaherong Pilipino.

KAUGNAY NA BALITA: Apat na bala ng baril, nakumpiska sa babaeng pasahero sa Mactan airport

KAUGNAY NA BALITA: Lalaking magtatrabaho sana abroad, panibagong biktima ng Tanim-Bala?

KAUGNAY NA BALITA: Hindi nag-sorry? Mag-inang nakaranas ng 'laglag-bala,' parang tinratong basura

KAUGNAY NA BALITA: 69-anyos na babaeng pasahero, nakaranas umano ng 'laglag-bala' sa airport