April 24, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Nora lumapit para ibenta lupain sa Iriga; Chavit, sinagot hospital bills niya

Nora lumapit para ibenta lupain sa Iriga; Chavit, sinagot hospital bills niya
Photo courtesy: Ralph Mendoza (BALITA)/Luis "Chavit" Singson (FB)

Tinalakay nina Cristy Fermin, Romel Chika, at Wendell Alvarez sa kanilang showbiz-oriented vlog na "Showbiz Now Na" ang hinggil sa katotohanan daw sa likod ng pagpapaospital ni National Artist for Film and Broadcast Arts at Superstar Nora Aunor bago ito pumanaw noong Miyerkules Santo ng gabi, Abril 16.

Kuwento ni Wendell na sinusugan naman ni Cristy, tumawag daw si Nora sa aktres na si Daisy Romualdez upang magpatulong na makausap si dating Ilocos Sur Governor Luis "Chavit" Singson.

Ang pakay ng Superstar ay ibenta raw kay Chavit ang mga lupain niya sa Iriga na matatagpuan sa Bicol.

Nang malaman daw ni Daisy na si Nora ang tumawag sa kaniya, agad siyang nakipag-ugnayan kay Chavit upang magkausap ang dalawa.

Tsika at Intriga

Partner ni Hajji di makapunta sa burol, dumiretso na lang sa 'Walk of Fame'

Subalit tinanggihan daw ni Chavit ang pagbili sa ektaryang lupain ni Nora sa Iriga dahil hindi raw siya bumibili ngayon ng properties.

Pero ang ginawa raw ni Chavit, dahil isa siyang tagahanga ni Nora, nang malaman daw na gagamitin ng Superstar ang mapagbibilhan ng lupain sa operasyon sa puso, ay nagkusang-loob daw ang politiko na sagutin lahat ng hospital bills ng batikan at premyadong aktres.

Buking pa ni Cristy, ayaw na raw sanang ipaalam ito ng politiko sa publiko, subalit para sa kaniya, kailangan itong banggitin at ibigay ang kredito sa kaniya.

Samantala, sa ilang mga ulat ay pinatotohanan naman ito ng mga Noranian, tawag sa mga tagahanga ni Nora, at hindi raw totoong kaya lumapit ang Superstar kay Chavit ay dahil lugmok na lugmok na.

Bagama't masasabing hindi raw ganoon kayaman si Nora ay may sapat naman itong perang natatanggap mula sa pensyon, gayundin sa mga kita ng ani sa mga lupain sa Iriga.

Noong Martes, Abril 22, ay naihatid na nga sa huling hantungan ang National Artist at Superstar, sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig.

MAKI-BALITA: Nora Aunor, humimlay na sa Libingan ng mga Bayani

Bago nito, nagkaroon muna ng state necrological service para sa kaniya sa The Metropolitan Theater sa Maynila.

MAKI-BALITA: State necrological service para kay Nora Aunor, idinaos sa The Metropolitan Theater

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag ang kampo ni Chavit tungkol dito.