April 24, 2025

Home BALITA Eleksyon

Mayoral bets Isko, Versoza, Malapitan at 6 iba pa, hahainan ng show cause order dahil sa umano’y vote-buying

Mayoral bets Isko, Versoza, Malapitan at 6 iba pa, hahainan ng show cause order dahil sa umano’y vote-buying
MULA SA KALIWA: Isko Moreno, Sam Versoza, at Along Malapitan (FB)

Kinumpirma ng Commission on Elections (Comelec) nitong Huwebes, Abril 24, na hahainan nila ng show cause order sina Manila Mayoral Candidates Isko Moreno at Sam Versoza, Caloocan City Mayor reelectionist Along Malapitan, at anim na iba dahil umano sa “vote-buying.”

Ayon kay Comelec Commissioner George Garcia, ngayong Huwebes ihahain ng Comelec Kontra Bigay committee ang show cause order laban sa siyam na mga kandidato.

Nakasaad sa tala ng Comelec na nagbigay umano si Moreno ng ₱3000 sa public school teachers, habang namigay naman daw ng “goods” si Versoza na may nakalagay na pangalang “SV.”

Sangkot din naman umano si Malapitan vote-buying at abuse of state resources matapos daw niyang mamigay ng ₱3,225 sa Galino Covered Court.

Eleksyon

‘Di nila deserve!’ Espiritu, kinuwestiyon pag-endorso ni Ex-VP Leni kina Pacquiao, Abalos

Samantala, bukod kina Moreno, Versoza at Malapitan, kasama rin sa nakatakdang hainan ng show cause order ng Comelec Kontra Bigay committee sina:

Richard Kho, Masbate Governor candidate, dahil umano sa paggamit ng emergency alerts upang maglathala ng mga pangalan ng mga kandidato;

Jerry Jose, kandidato sa pagiging miyembro ng Sangguniang Bayan sa Villaverde, Nueva Vizcaya, dahil sa umano’y pamimigay ng buhay na baboy;

Julian Edward Emerson Coseteng, kandidato sa pagiging miyembro ng Sangguniang Panlungsod sa ikatlong distrito ng Quezon City, dahil umano sa pag-alok ng GCash prizes na ₱500;

Levito Baligod, Baybay City, Leyte 5th District Rep. candidate, dahil umano sa pagsasagawa ng raffle na may mga papremyong may pangalan at mukha niya;

Marilou Baligod, Baybay City, Leyte Mayoral candidate, dahil din umano sa pagsasagawa ng raffle na may mga papremyong may pangalan at mukha niya; at

Anna Kathrina Marcelo Hernandez, kandidato sa pagiging miyembro ng Sangguniang Panlalawigan sa ikaapat na distrito ng Bulacan dahil umano sa pagpapamudmod ng dish racks, electric fans, bigas, at shirts.