April 24, 2025

Home BALITA Metro

Crime rate sa NCR, bumaba sa nakaraang 5 buwan—NCRPO

Crime rate sa NCR, bumaba sa nakaraang 5 buwan—NCRPO
Photo courtesy: Pexels at NCRPO/Facebook

Inihayag ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang patuloy raw na pagbaba ng crime rate sa NCR mula Nobyembre 23, 2024 hanggang Abril 23, 2025.

Sa pamamagitan ng Facebook post nitong Huwebes, Abril 24, tinatayang nasa 22.53% daw ang ibinaba ng mga naitala nila sa walong focus crimes. 

"In a significant stride toward enhancing public safety, the National Capital Region Police Office (NCRPO), led by Regional Director, PMGen Anthony A Aberin, has recorded a remarkable 22.53% decrease in 8 Focus Crimes from November 23, 2024 to April 23, 2025," anang NCRPO.

Ayon pa sa datos na inilabas ng Crime Incident Recording and Analysis System (CIRAS), nakapagtala lang daw ng 2, kaso ng krimen sa mga nasabing buwan kumpara sa bilang na 2,805 sa kaparehong panahon noong 2024.

Metro

MRT-3 at LRT-2, may libreng sakay para sa mga solo parent sa Abril 26

Kabilang sa walong focus crimes ay ang: Murder, Homicide, Physical Injury at Rape, Robbery, Theft, Carnapping/Carjacking at Cattle Rustling.

Samantala, iginiit naman ni Regional Director PMGEN. Aberin, na hangarin pa raw nila na maramdaman naman daw ng taong bayan ang datos na hawak nila. 

“In response to the instruction of the Chief PNP, let us persevere to do more in our crime prevention and solution strategies. Our goal is an NCRPO that can truly be seen, heard and felt by the people,” ani Aberin.

BASAHIN: 'ITIM' campaign ad nina Sen. Imee at VP Sara, kinontra ng PNP; crime rate sa bansa, bumaba!