Nakiusap ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa publiko hinggil sa mga panawagan at umano'y pangangampanya upang mailuklok na susunod na Santo Papa si Luis Antonio Cardinal Tagle.
Ayon kay CBCP Episcopal Commission on Public Affairs Executive Secretary Rev. Fr. Jerome Secillano, ang pagdedesisyon umano ng pagpili sa susunod na Santo Papa ay nasa kamay ng Cardinal Electors.
"We leave it to the cardinal electors to decide who will succeed Pope Francis. It’s not prudent for the public to promote Cardinal Tagle as the next Pope, as this could create the impression that the conclave might be swayed by external influences if Cardinal Tagle is elected as the next pontiff," ani Secilliano.
Iginiit din niya ang respeto umano para sa proseso ng conclave.
"The independence of the electors must be respected, and at the least we can do is pray for Cardinal Tagle and the other Cardinal Electors," aniya.
KAUGNAY NA BALITA: Ang 'conclave' at ang pagpili sa susunod na Santo Papa
Matatandaang noong Abril 21, 2025 nang pumanaw si Pope Francis sa edad na 88 taong gulang.
KAUGNAY NA BALITA: Pope Francis, pumanaw na sa edad na 88
KAUGNAY NA BALIRA: Pope Francis, na-coma sanhi ng stroke at irreversible cardiocirculatory collapse
Sa kasalukuyan, mayroong 135 cardinal electors ang Simbahang Katolika kung saan tatlo sa kanila ay mga Pilipino na sina: Luis Antonio Cardinal Tagle na miyembro ng Roman Curia, Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David at Presidente ng CBCP at Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.