January 26, 2026

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Aljur present sa pagtanggap ng awards ng mga anak; Kylie, nagpasalamat

Aljur present sa pagtanggap ng awards ng mga anak; Kylie, nagpasalamat
Photo courtesy: Kylie Padilla (IG)

Nagpasalamat ang Kapuso actress na si Kylie Padilla sa estranged husband at tatay ng mga anak na si Aljur Abrenica, matapos dumalo sa pagtanggap ng school awards ng anak nilang sina Alas at Axl.

Makikita sa Instagram story ni Kylie ang larawan ng dalawang anak habang all-smile kasama ang kanilang tatay.

Parehong nakatanggap ng medals ang mga anak.

"Proud of you boys," caption ni Kylie.

Relasyon at Hiwalayan

Sa gitna ng hiwalayan issue: John Lloyd Cruz, Isabel Santos naispatang magkasama sa Thailand

"Thank you," aniya kay Aljur na naka-tag sa Instagram account nito.

2021 nang maghiwalay ang dalawa, tatlong taon matapos ikasal.

Sa kasalukuyan, karelasyon ni Aljur ang dating Vivamax star na si AJ Raval. Si Kylie naman ay umaming may karelasyong non-showbiz boyfriend, subalit kamakailan lamang ay napabalitang mukhang hiwalay na rin sila.