January 25, 2026

Home BALITA

18-anyos na binata, pinatay sa saksak ng 15 taong gulang

18-anyos na binata, pinatay sa saksak ng 15 taong gulang
Photo courtesy: Pexels

Patay ang isang 18 taong gulang na binata nang saksakin siya ng hinihinalang 15-anyos na suspek sa Naga City, Camarines Sur. 

Ayon sa paunang imbestigasyon ng Naga City Police, naglalakad noon sa kahabaan ng St. Claire Street sa Barangay Concepcion Pequeña ang biktima ng magkaroon umano ng pagtatalo sa kaniyang panig at grupo ng mga menor de edad.

 Sa kalagitnaan daw ng komprontasyon, humugot ng kutsilyo ang nasabing 15-anyos na suspek at diretsong inundayan ng saksak ang biktima. 

Sinubukan pa raw magtago ng suspek kasama ng dalawa pang menor de edad ngunit nasakote sila ng mga awtoridad sa ikinasang hot pursuit operation.

2 dambuhalang sawa, nahuli sa kisame ng magkaibang bahay, 1 sa kanila, nakalunok ng tuta!

Nasa kustodiya na ng Children's Home sa Naga City ang mga suspek. Ayon sa pulisya, nahaharap sa kasong homicide ang 15-anyos na sumaksak sa biktima pati na rin ang 17 taong gulang niyang kasama, habang pagbabayarin naman daw ng danyos ang 14 taong gulang nilang kasamahan.