Nakatikim ng masasakit na salita si Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga matapos mag-iwan ng apat na orange heart emojis sa Instagram post ng kaibigang si Mariel Rodriguez Padilla, nang i-endorso nito ang tumatakbong senador na si House Deputy Speaker at Las Piñas Lone District Representative Camille Villar.
Ayon kay Mariel na misis ng aktor na si Sen. Robin Padilla, "If i were only allowed to vote 1 senator in this race, it would be #66 CAMILLE VILLAR!!!!!!!!!!"
"The truest friend one can ever have! Isa sa pinaka humble na tao na nakikala ko. Hands on mother, tapat sa kanyang serbisyo, geniune ang kanyang puso at isang TUNAY NA KAIBIGAN NA HINDING HINDI KA IIWAN."
"Mga programa para makabigay ng trabaho, matulungan ang mental health issues at marami pang iba. Agree ako sayo VP Sara, panatag ang loob ko kay SENATOR CAMILLE VILLAR."
MAKI-BALITA: Mariel Padilla inendorso si Camille Villar, pinusuan ni Toni Gonzaga
Sa comment section naman ng post ay makikitang naglapag ng orange heart emojis si Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga, na nag-endorso rin noon sa kaibigang si Sen. Mark Villar, kapatid ni Camille, nang tumakbo ito sa pagkasenador sa ilalim ng UniTeam slate nina Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. at Pangalawang Pangulong Sara Duterte.

Si Camille Villar ay personal na inendorso ni VP Sara kamakailan.
Samantala, hindi naman napigilan ng ilang mga netizen na okrayin si Toni, na mababasa sa comment section ng emoji post niya. Narito ang ilan:
"di kasi kayo apektado."
"cancelling you. ENABLER"
"enabler"
"idol ko ang mga Gonzagas, pero ba’t naman ganoin?? Hinihikayat ninyo ang bawat mamayang Pilipino na suportahang ang maglalagay sa kanila sa peligro sana ma enlighten kayo ng Diyos sa mga desisyon niyo sa pagboto "
"ew"
"sus isa pa to. Di na natuto sa sinuportahan na si Marcos. Napaka enabler talaga. Mayaman lang kase mga villar kaya pareho kaya todo support kayo."
"Siguro po okay kasi mga buhay niyo. Paano yung iba whose have to survive daily. The term of duterte was full of revenge . As a woman did you see how he and his supporters treated Leni. Dis respected her and called her names.When prices of basic commodities became so high, mukhang walang concern. INUNA MUNA PAG PASARA SA ABS. . At least yung time ni gloria, she would personally talk with suppliers or try to fix issues. Puro mura. And puro SIPSIP and yes yes people are around him. My point is we want people in the senate who aim to serve the Filipino people and not anyone whose MAIN purpose is to protect the dutertes."
Hindi naman nagkomento si Toni sa hate comments ng netizens laban sa kaniya.
Matatandaang noong 2022 presidential elections ay nakaranas ng "cancel culture" si Toni matapos suportahan ang UniTeam.
MAKI-BALITA: Mariel kay Toni: 'Welcome to the outside world!'
Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Toni tungkol dito.