April 23, 2025

Home BALITA Internasyonal

Susunod na Santo Papa, hindi dapat muna isipin, ayon sa dalawng pari

Susunod na Santo Papa, hindi dapat muna isipin, ayon sa dalawng pari
Photo Courtesy: Vatican Media via AP, HO

Nagbigay ng pananaw ang dalawang pari mula sa Pontificio Collegio Filippino kaugnay sa susunod na pinuno ng Simbahang Katolika matapos ang pagpanaw ni Pope Francis.

BASAHIN: Pope Francis, pumanaw na sa edad na 88

Sa latest episode ng “Morning Matters” nitong Miyerkules, Abril 23, sinabi ni Rev. Fr. Earl Valdez na sana raw ay pagdaanan muna ang proseso ng pagdadalamhati.

“Ngayon ay nasa punto muna tayo ng pag-alala, ng pagsariwa ng mga alaala na iniwan at mga bagay na ipapasa atin ng Santo Papa,” saad ni Fr. Earl.

Internasyonal

Pope Francis, ililibing na sa Abril 26 – Vatican

Segunda naman ni Rev. Fr. Earl Tan, “It’s really the work of the Holy Spirit. [...] Maganda ‘yong sinabi ni Fr. Earl na it’s not the time to think of the next successor. We’re still mourning; will mourn for nine more days.”

“It’s also the time to pray for the Church. And nothing to worry [...]  kahit kami kampante kami because this is Christ church. So, ang Diyos ang bahala sa Kaniyang simbahan,” dugtong pa niya.

Matatandaang isa si Filipino Cardinal Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga posibleng maging susunod na Santo Papa. Sakaling mangyari ito, siya ang magiging kauna-unahang pinuno ng Simbahang Katolika na mula sa Asya.

MAKI-BALITA: Cardinal Tagle, posibleng maging susunod na Santo Papa

Bukod kay Tagle, kasama rin sa mga itinuturing na “strong contenders” para sa posisyon sina Cardinal Pietro Parolin (Italy), Cardinal Peter Turkson (Ghana), Cardinal Péter Erdő (Hungary), at Cardinal Mario Grech (Malta).