April 23, 2025

Home BALITA

Pangangalaga sa kapaligiran, nakasalalay sa kolektibong pagkilos —VP Sara

Pangangalaga sa kapaligiran, nakasalalay sa kolektibong pagkilos —VP Sara
Photo Courtesy: Sara Duterte (FB), via MB

Nagbigay ng pahayag si Vice President Sara Duterte kaugnay sa kaugnay sa pagdiriwang ng World Earth Day.

Ang naturang pagdiriwang ay sinimulan noon pang 1970 bilang tugon sa kapabayaan ng tao sa kapaligiran.

Kaya sa video statement ni VP Sara nitong Miyerkules, Abril 23, sinabi niyang paalala umano ang World Earth Day sa magagawa ng kolektibong pagkilos sa kapaligiran.

“This Earth Day, we are reminded that the power to restore and protect our environment lies in our collective action,” saad ni VP Sara.

Eleksyon

Kiko Matos, sinunog mga 'ignoranteng' inokray si Atty. Kiko sa paglantak ng buro't mustasa

Dagdag pa niya, “Guided by the theme ‘Our Power, Our Planet,’ let us commit to fighting climate change, safeguarding biodiversity, and securing a livable future.”

Kaya naman hinikayat niya ang bawat Pilipinong makiisa sa mga clean-up drive o mag-organisa ng community-led greening efforts.

“Together, we can build a greener, stronger, and more resilient Philippines,” aniya.