Sa pagpanaw ni Pope Francis, isa umano sa kaniyang naiwan ay ang deklarasyon sa dapat sana’y kauna-unahang santong magmumula sa Papua New Guinea.
KAUGNAY NA BALITA: Pope Francis, pumanaw na sa edad na 88
Ayon sa ulat ng isang lokal na pahayagan nitong Miyerkules, Abril 23, 2025, bigong mapangunahan ng Santo Papa ang canonization ng martyr na si Peter To Rot matapos ang kaniyang biglaang pagpanaw noong Abril 21, 2025. Isang anti-polygamy preacher si To Rot na namatay umano sa kulungan noong World War II.
KAUGNAY NA BALITA: Pope Francis, na-coma sanhi ng stroke at irreversible cardiocirculatory collapse
Sa panayam ng international media kay Tomas Ravaioli—isang Argentine missionary na nakabase sa Papua New Guinea, ibinahagi niya ang naging pagtingin umano ng Santo Papa sa pagluklok kay Peter To Rot bilang isang santo.
“He told me that he wanted to canonize Peter To Rot himself,” ani Ravaioli.
Dagdag pa niya, “He said that To Rot is the kind of saint that people need in this moment. You know, he's not a priest or a bishop—he's a normal man.”
Noong 1995 nang ma-beatified si To Rot sa pangunguna noon ni Pope John Paul II, isa sa mga hakbang upang maideklara siyang santo.