Usap-usapan ng mga netizen kung para kanino kaya ang dalawang cryptic posts ni Jackie Forster patungkol sa "manipulation" at kawalan ng isang tao ng "accountability" at mahilig pang manisi sa iba.
Mababasa sa unang quote card na shinare niya, " When someone realizes they can no longer manipulate you, they rewrite the story to protect themselves. Because telling the truth would require them to face the harm they caused and to sit with everything they've been avoiding within themselves."

Sa isa pang makahulugang post, mababasa naman: "It's easier to deny, deflect, and distort than to take accountability."
"So instead of owning their behavior, they create a version of the story where you're the problem."
"But their narrative doesn't change your reality and your healing doesn't require their validation."

Makikita ang paggamit ni Jackie ng hashtag na "#mamawithreceipts" sa nabanggit na dalawang Instagram stories, kaya lalong tumindi ang espekulasyon ng mga netizen na tungkol ito sa kaniyang anak.
Pero hindi pa rito natapos si Jackie dahil muli siyang nagparinig sa IG story niya tungkol ulit sa manipulation.
Mababasa, "Manipulation is when they focus on how you reacted instead of how they treated you."

Nataon namang nangyari ang lahat nang ito matapos ang usap-usapang pag-unfollow ng Kapuso actress na si Kyline Alcantara sa kaniyang anak, na tila nagbigay ng alegasyon sa mga netizen na hiwalay na ang dalawa, matapos ang ilang buwan ding pinag-usapang ka-sweetan nila.
MAKI-BALITA: Kyline Alcantara, in-unfollow na si Kobe Paras!
Kamakailan naman, napabalita na rin ang pag-unfollow ni Kobe kay Kyline.
MAKI-BALITA: Kobe Paras, nag-unfollow na rin si Kyline Alcantara
Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag ang kampo ng mga nabanggit na celebrity tungkol sa isyu.