April 23, 2025

Home BALITA National

₱20 na bigas ng PBBM admin, kinontra ni VP Sara: 'Hindi pantao, panghayop'

₱20 na bigas ng PBBM admin, kinontra ni VP Sara: 'Hindi pantao, panghayop'
Photo courtesy: screengrab from ABS-CBN News at PCO/Facebook

Pinatutsadahan ni Vice President Sara Duterte ang nakatakdang paglulunsad ng ₱20 na bigas ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. 

Sa panayam ng media kay VP Sara nitong Miyerkules, Abril 23, 2025 , tahasan niyang iginiit na tila hindi umano pantao ang nasabing programa ng administrasyon.

“Mayroon akong pagdududa ha? Na magbebenta sila ng 20 per kilo na bigas pero hindi pantao, panghayop,” ani VP Sara. 

Dagdag pa niya, “Pag sinabi natin na ₱20 per kilo na bigas yung pwedeng kainin ng tao. 'Yan yung 20 pesos na binebenta yung pinapakain sa baboy. Hindi mga hayop ang mga Pilipino. Kapag nagbenta kayo ng 20 pesos per kilo.”

National

Malacañang, nagdeklara ng 'National Mourning' sa pagpanaw ni Pope Francis

Giit pa ng Bise Presidente, pakana lang daw ito ng administrasyon dahil sa papalapit na eleksyon. 

“Promise na naman ‘yan sa mga tao na alam mong para lang sa eleksyon at para lang sa kanilang mga senators. Para manalo yung kanilang alyansa kuno na iniwan din naman sila ng kanilang dalawang kandidato. Dahil ang alam ko walang direksyon yung kanilang alyansa,” anang VP Sara.