Inilahad ni senatorial aspirant Panfilo Lacson ang binabalak niya sa Senado sakaling manalo siya ngayong 2025 midterm elections.
Sa latest episode ng “Morning Matters” nitong Martes, Abril 22, sinabi ni Lacson na ipagpapatuloy umano niya ang pagiging vanguard para sa national budget.
“Itutuloy ko lang ‘yong pagiging vanguard do’n sa national budget. Kasi ‘yon ‘ang naging passion ko na since I refuse to par take ‘yong aking pork barrel,” saad ni Lacson.
Second, as I went around, siyempre nakakausap mo difference sector, do’n nakakabuo ka ng ito pala ‘yong legislation na na-overlook. For example, ‘yong seafarers.
Ayon kay Lacson, natuklasan umano niya na malaki raw ang nagiging kontribusyon ng mga ito sa remittances.
“Out of the $38 billion dollars na nare-remit in 2024. Ang portion doon ng mga seafarer, nasa mga $6.9, $7 billion. Pero hirap na sila ngayon sa pag-aaral kasi prohibited na ‘yong tuition fees,” aniya.
Kaya naman kakausapin daw niya ang naturang sektor upang makakuha ng detalye para maidaan sa legislation.
Matatandaang kumandidato si Lacson sa pagkapangulo noong 2022 presidential elections kasama ang kapuwa niya senador na si Tito Sotto bilang bise-presidente niya.