April 22, 2025

Home BALITA Internasyonal

Pope Francis, ililibing na sa Abril 26 – Vatican

Pope Francis, ililibing na sa Abril 26 – Vatican
Courtesy: Vatican News/FB

Sa darating na Sabado, Abril 26, ililibing si Pope Francis sa St. Peter's Basilica, ayon sa Vatican.

Base sa ulat ng Vatican News, nakatakdang ganapin ang libing ni Pope Francis sa Sabado dakong 10:00 ng umaga (Vatican time) o 4:00 ng hapon (Philippine time).

Pangungunahan ni Cardinal Giovanni Battista Re, Dean ng College of Cardinals, ang funeral Mass, na dadaluhan ng Patriarchs, Cardinals, Archbishops, Bishops, at mga pari mula sa iba’t ibang dako ng mundo.

Magsisimula naman ang public viewing sa Santo Papa bukas ng Miyerkules, Abril 23, sa St. Peter’s Basilica dakong 9:00 ng umaga (Vatican time) pagkatapos makuha ang kaniyang kabaong, sa pamamagitan ng prusisyon, sa Vatican hotel kung saan siya nakatira.

Internasyonal

Pope Francis, simpleng libing lang ang gusto — Vatican

“The Eucharistic celebration will conclude with the Ultima commendatio and the Valedictio, marking the beginning of the Novemdiales, or nine days of mourning and Masses for the repose of Pope Francis' soul,” saad ng Vatican.

Matatandaang dakong 7:35 ng umaga (Vatican time) nitong Lunes, Abril 21, nang mamayapa si Pope Francis sa kaniyang apartment sa Domus Sanctae Marthae, Vatican City. 

Nagkaroon daw ng stroke ang Santo Papa na sinundan ng coma at irreversible cardiocirculatory collapse na naging sanhi ng kaniyang pagpanaw.

BASAHIN: Pope Francis, pumanaw na sa edad na 88

BASAHIN: Pope Francis, na-coma sanhi ng stroke at irreversible cardiocirculatory collapse

Base sa spiritual testament ni Pope Francis noong 2022, hiniling niya ang simpleng libing sa kaniyang pagpanaw.

BASAHIN: Pope Francis, simpleng libing lang ang gusto — Vatican