Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. ang Proclamation No. 870 noong Lunes Abril 21, na nagdedeklarang "Day of National Mourning" ang Abril 22 bilang paggunita sa pagpanaw ni National Artist for Film and Broadcast Arts at Superstar Nora Aunor.
Mababasa sa proklamasyon, "WHEREAS, the passing of National Artist for Film and Broadcast Nora Cabaltera Villamayor, also known as Nora Aunor, is a great loss to the Filipino people and to the nation's cultural and artistic community."
"WHEREAS, her outstanding contribution to Philippine cinema, television, and music has left a lasting legacy on the nation's collective memory and identity."
"WHEREAS, her artistry, depth, and dedication as a performer elevated the standard of excellence in the fields of arts and culture, and inspired generations of actors, filmmakers, and audiences, both in local and international stage," aniya pa.
Kaya sa pagsapit ng Abril 22, bilang pagpapakita ng pagdadalamhati at pagpupugay sa alaala ng Superstar at National Artist, ibababa sa half-mast ang pambansang watawat sa lahat ng opisyal na tanggapan ng gobyerno sa Pilipinas at sa mga kinatawan nito sa ibang bansa bilang tanda ng pakikiramay ng sambayanan.
Ngayong Martes, Abril 22, idinaos ang isang state necrological service para kay Nora sa The Metropolitan Theater sa Maynila, at kalaunan, ay inihatid sa huling hantungan sa pamamagitan ng state funeral sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig.