Nagluluksa ang longtime partner ng pumanaw na OPM icon at tinaguriang "Kilabot ng Kolehiyala" na si Hajji Alejandro, na nakasama niya sa pakikipaglaban sa stage 4 colon cancer.
Matatandaang si Alynna Velasquez din ang nagkumpirma sa panayam sa kaniya ng journalist na si Julius Babao, sa vlog nito, na may iniindang malubhang karamdaman ang partner.
Abril 22, 2025, kinumpirma ng pamilya Alejandro na sumakabilang-buhay na ang OPM legend.
Sa Facebook post ni Alynna, sinabi niyang hindi na pumayag si Hajji na manatili sa ospital at pinili na lamang manatili sa kanilang tahanan, sa piling ng mga mahal niya sa buhay. Tila batid na raw ng partner na anumang sandali ay lilisan na siya.
"My love," panimulang post ni Alynna.
"We spent the last 8 days of your life together. I am grateful to your kids Ali and Rachel for reaching out to me. I have been waiting. I think of you every hour of every day."
"2 months ordeal with Metastatic Colon CA, Stage 4. You refused another trip to the hospital and chose palliative care instead, in the comforts of your home, in the company of people you love. You knew you were leaving us soon..."
"We listened to our favorite songs and we both had tears in our eyes. Your precious voice has been impaired because CA had constricted your respiratory system as well. But I felt your love even without words. And despite the pain, restlessness and hallucinations, you tried to hold my hand..."
"No more pain, love. Just pure bliss with our Heavenly Father," dagdag pa ni Alynna.
Sinabi pa ni Alynna na Abril 21 nang sumama na sa Panginoon si Hajji. Abril 22 naman sana ang kanilang 27th anniversary. Sinubukan pa raw ni Hajji na huwag bumitiw para umabot sa kanilang anibersaryo subalit kusa na raw sumuko ang katawan nito.
"April 21, 2025"
"In your final hours, you accepted Jesus as your Lord and Savior and His promise of eternal life in His Presence."
"Love ko... you tried to hold on... you know it is our special day today. But your human body gave up on you.
Thank you... thank you for your love."
"April 22, 2025"
"Happy 27th Anniversary, my one and only love, Hajji Alejandro."
"See you in God's time. I love you eternally..." panghuli ni Alynna.
Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na detalye ang pamilya Alejandro sa wake details sa mga labi ng singer.
BASAHIN: Kay Ganda ng Musika Niya: Si Hajji Alejandro, orig 'Kilabot ng Kolehiyala'
KAUGNAY NA BALITA: OPM icon Hajji Alejandro, pumanaw na sa edad na 70