Binalikan ni Kapamilya singer at “It’s Showtime” host Darren Espanto ang naging pagtatanghal niya nang bumisita si Pope Francis sa Pilipinas noong 2015.
Sa latest Instagram post ni Darren noong Lunes, Abril 21, ibinahagi niya ang video clip ng pagkanta niya sa University of Santo Tomas habang nasa entablado ang Papa kasama ang ilang bata.
“10 years ago, I had the privilege of singing for Pope Francis during his visit to the Philippines. It was an honor to be chosen to sing for such a historical event,” saad ni Darren.
Dagdag pa niya, “He’s made a huge impact on lives around the world. May he rest in peace.”
MAKI-BALITA: #BALITAnaw: Ang makasaysayang pagbisita ni Pope Francis sa Pilipinas noong 2015
Matatandaang inanunsiyo ng Vatican ang pagpanaw ni Pope Francis sa edad na 88 noon ding Lunes ng umaga, Abril 21.
Bago pa man ito, nakaranas na ng malubhang karamdaman ang Santo Papa matapos niyang maospital noong Pebrero dahil sa sakit na bronchitis na kalaunan ay naging double pneumonia.
BASAHIN: Pope Francis, pumanaw na sa edad na 88
BASAHIN: Malawakang prayer vigil, ikinasa sa iba't ibang panig ng mundo para kay Pope Francis