Inihayag ng Commission on Elections (Comelec) Committee Kontra-Bigay nitong Martes, Abril 22, na hahainan nila ng show-cause order si senatorial candidate Camille Villar dahil sa umano’y vote-buying na kinasangkutan niya sa isang pagtitipon sa Imus, Cavite.
Nakita umano ang presensya ni Villar sa isang aktibidad sa Brgy. Buhay na Tubig sa Imus.
Bibigyan daw si Villar ng tatlong araw upang ipaliwanag ang naturang umano’y “vote-buying” incident.
Habang sinusulat ito'y wala pang komento o pahayag ang kampo ni Villar hinggil dito.
Matatandaang kasama si Villar sa senatorial slate ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. na Alyansa para sa Bagong Pilipinas.
Bukod dito, kamakailan lamang ay inendorso si Villar ni Vice President Sara Duterte.