Pinasinungalingan ng legal counsel ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na si Atty. Nicholas Kaufman ang naglabasang ulat na umano'y nag-request ang kanilang team sa International Criminal Court (ICC) na higpitan ang ID requirements para sa mga biktima ng giyera kontra droga, na kukuning saksi para sa isasagawang paglilitis kaugnay nito.
Ibinahagi ng dating presidential spokesperson at tagasuporta ni Duterte na si Atty. Harry Roque ang panayam kay Kaufman, Martes, Abril 22, na mapapanood sa kaniyang Facebook post.
Batay sa interview summary na ipinost ni Roque, mababasang pinabulaanan ng legal counsel ang mga naging panayam ng mga abogadong sina Atty. Kristina Conti at Joel Butuyan patungkol sa nabanggit na "alleged request."
"Filipino lawyers Kristina Conti and Joel Butuyan are lying in their media interviews regarding fPRRD Legal Team’s alleged request to restrict the participation of alleged ExtraJudicial Victims (EJKs) in the ICC proceedings by limiting the identification card documents to be used. No such request was made, according to Atty. Kaufman; hence, there was no rejection," mababasa.
Dagdag pa, "The Defense Team simply wants ID documents that can be verified (like the documents asked by Philippines’ Social Security System) to assess victims’ applications."
"Both Conti and Butuyan have yet to be accepted by the International Criminal Court as legal representatives of alleged EJK victims," bahagi pa ng naging panayam kay Kaufman.
Nang matanong naman ang kalagayan ng kaniyang kliyente, sinabi ng legal counsel na nasa mabuting kalagayan naman si Duterte.
KAUGNAY NA BALITA: Conti, inasahang ‘di maghihigpit ang ICC sa ID requirements ng drug war victims