April 21, 2025

Home BALITA Eleksyon

VP Sara sa pag-endorso kina Sen. Imee, Rep. Villar: ‘United by a common vision’

VP Sara sa pag-endorso kina Sen. Imee, Rep. Villar: ‘United by a common vision’
Photo courtesy: Sen. Imee Marcos at Rep. Camille Villar/FB screengrab

Dinepensahan ni Vice President Sara Duterte ang pag-endorso niya kina Senador Imee Marcos at Las Piñas City Rep. Camille Villar, at iginiit na mapagbubuklod umano nila ang bansa kasama ang senatorial candidates ng PDP Laban.

Sinabi ito ni Duterte sa isang pahayag nitong Lunes, Abril 21, matapos kumalat sa social media ang ilang mga larawan at video ad ng pag-endorso niya kina Marcos at Villar.

“The #Duter10 senatorial candidates, running under former President Rodrigo R. Duterte's PDP Laban, together with reelectionist Senator Imee Marcos and Representative Camille Villar, are united by a common vision—a peaceful and prosperous Philippines,” paliwanag ng bise presidente.

“This vision is solid enough to break through the walls of the existing political division in the country,” saad pa niya.

Eleksyon

99.9% accuracy rate sa Random Manual Audit naitala sa mga nagdaang eleksyon—Comelec

Matatandaang noong Abril 14 nang ilabas ni Marcos ang campaign video niya kasama si Duterte, kung saan iginiit nilang “itim” umano ang kasalukuyang kulay ng bansa. 

MAKI-BALITA: ‘Itim ang kulay ng pakikiisa!’ VP Sara, pormal nang inendorso si Sen. Imee

Ang naturang pag-endorso ng bise-presidente kay Marcos ay matapos nitong kumalas sa senatorial slate ng kapatid nitong si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. 

MAKI-BALITA: Sen. Imee Marcos, kumalas na sa Alyansa para sa Bagong Pilipinas

Samantala, bagama’t inendorso na ni Duterte si Villar ay bahagi pa rin ito ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas ng pangulo.